Miyerkules, Agosto 15, 2012

May mga Panahon


Sa maiksing panahon
Ng pagkakilala at pagsasama
May ipinahiwatig ating mga mata
Tayo’y parehong nagging masaya

Wala man akong alam
Sayong mga nakaraan
Wala akong karapatan
Upang ito ay panghimasukan

Lagi na lamang bang ganito
May mga dahilan ang bawat pangyayari
Kaya ko ba itong ipaglaban
Sa sarili ko na lagging ikaw ang laman

Hindi pa ba sapat ang panahon
Ng pagtatagpo at pag- aaral
Hindi pa ba panahon para mawalay
Hindi pa panahon pero sadya at kusa

Ang gusto kong sabihin ay salamat sayo
Sana lahat ng ito ay mabasa mo
Ikaw ang dahilan kung bakit may laman
Na may pag ibig sa bawat panahon

-jlpv-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

https://www.bataris.org.ph/petitions/lgu-ng-infanta-quezon-laban-sa-konstraksyon-ng-kaliwa-dam

 https://www.bataris.org.ph/petitions/lgu-ng-infanta-quezon-laban-sa-konstraksyon-ng-kaliwa-dam